Bundle: 3 Audiobooks for the Price of 2..
1. "Si Mabait at ang mga Daliri ng Liwanag". Sa Panulat ni EUGENE Y. EVASCO. BInasa ni EUGENE DOMINGO.
Kanlungan ng mga daga ang dilim at lungga. Gusto ni Mabait na makita ang maliwanag at makulay na daigdig. Gusto niyang maging alaga at maging kaibigan. Paano magbabago ang kapalaran ng mga itinuturing na peste?
Ang kuwentong ito ay isang modernong alamat na premyado ng Palanca. Binigyan-buhay ng premyadong aktres na si Eugene Domingo.
2. "Tag-araw ng mga Ibong Hilaga" ni EUGENE Y. EVASCO. BInasa ni Director LAURICE GUILLEN.
Ililigtas ng mga bata ang lupain para sa paparating na ibon mula sa ibang bansa. May magandang ugnayan ang mga ibong dayuhan at ang mamamayan noong nakaraang digmaan.
Magtatagumpay kaya sila? Dapat pang patuyuin ang latian para taniman ng mga magsasaka?
Tunghayan ang kapana-panabik na kuwentong ito ng paggalang sa saribuhay (biodiversity) at pagpapakilala na walang hangganan ang pagtatanggol sa kalikasan.
3. "Ang Lihim sa Loob ng mga Pader" ni EUGENE Y. EVASCO. BInasa ni CHERRY PIE PICACHE.
Botanista si Padre Manuel Blanco. Naging matatas siya sa wikang Tagalog at tumulong sa mga maysakit sa pamamagitan ng mga halamang-gamot. Tunghayan sa kuwento ang natatanging pagkakaibigan ng isang bata at ng isang prayle na nasikap pag-aralan ang mga puno at halaman sa Pilipinas. Pinahahalagahan ng kuwentong ito ang kapangyarihan ng tradisyonal na medisina, pagkakaibigan, kalusugan, at ang pangangalaga sa mga katutubong halaman.
© 2021 EUGENE Y. EVASCO.
Ang May Akda
Si Eugene Y. Evasco ay manunulat at iskolar ng panitikang pambata. Nagwagi ng UP Gawad sa Natatanging Publikasyon sa Filipino (2014) at ng Grand Prize sa Philippine Board on Books for Young People, naging bahagi ng Hall of Fame of the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2009) , siya ay propesor ng panitikan at malikhaing pagsulat sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Kolehiyo ng Arte at Literatura.
3-for-2 Eugene Evasco Stories
- Brand: Eugene Evasco
- Product Code: 3-2-Evasco
- Availability: In Stock
-
₱96.00