Ililigtas ng mga bata ang lupain para sa paparating na ibon mula sa ibang bansa. May magandang ugnayan ang mga ibong dayuhan at ang mamamayan noong nakaraang digmaan.
Magtatagumpay kaya sila? Dapat pang patuyuin ang latian para taniman ng mga magsasaka?
Tunghayan ang kapana-panabik na kuwentong ito ng paggalang sa saribuhay (biodiversity) at pagpapakilala na walang hangganan ang pagtatanggol sa kalikasan.
"Tag-araw ng mga Ibong Hilaga" ni EUGENE Y. EVASCO. BInasa ni Director LAURICE GUILLEN.
© 2021. Eugene Evasco.
Ang May Akda
Si Eugene Y. Evasco ay manunulat at iskolar ng panitikang pambata. Nagwagi ng UP Gawad sa Natatanging Publikasyon sa Filipino (2014) at ng Grand Prize sa Philippine Board on Books for Young People, naging bahagi ng Hall of Fame of the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2009) , siya ay propesor ng panitikan at malikhaing pagsulat sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Kolehiyo ng Arte at Literatura.
Tag-araw ng mga Ibong Hilaga
- Brand: Eugene Evasco
- Product Code: Tag-araw
- Availability: In Stock
-
₱48.00